- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
- Proyekto sa Pagpapabuti ng Palaruan ng Willie Woo Woo Wong/
Proyekto sa Pagpapabuti ng Palaruan ng Willie Woo Woo Wong
Natapos at Bukas sa Publiko noong Pebrero 2021!

Kaligiran
Ang Palaruan ng Willie Woo Woo WongWillie Woo Woo Wong Playground ay matatagpuan sa 830 Sacramento Street sa pagitan ng Waverly Place at Pagoda Place sa Chinatown. Ipinangalan sa Tsinong Amerikano na bituin sa basketbol ng USF na si Willie Woo Woo Wong, naglilingkod ang parke sa isa sa pinakamataong kapitbahayan ng San Francisco at isa sa pinakakilala dahil sa kultura nito. Ang humigit-kumulang kalahating akre na parke ay may dalawang palaruang may sahig na buhangin, mga korte ng tenis at balibol, at isang kasalukuyang clubhouse na may korte ng basketbol sa bubong, sa isang lugar na hagdan-hagdan sa gilid ng burol. Bukod dito, sa kanlurang gilid, ang Hangh Ah Alley ay buong nasa loob ng hangganan ng parke.
Saklaw ng Trabaho
Natapos ng Kagawaran ng Libangan at ParkeRec and Park ng San Francisco ang pagsasaayos ng Palaruan ng Willie Woo Woo WongWillie Woo Woo Wong Playground, bilang bahagi ng programa sa pagpapabuting pangkapital na pinondohan ng Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond ng 2012. Binubuo ang proyekto ng pagsasaayos at/o muling pag-aayos ng mga bahagi ng parke kabilang ang mga korte, mga lugar-palaruan ng mga bata, mga eskinita, at mga kaugnay na pasilidad, at pinahusay ang daan papasok sa parke upang matugunan ang kasalukuyang mga pamantayan ng Batas sa Kapansanan ng mga Amerikano at Kodigo sa Gusali ng California.
Pagpopondo

Ang badyet na $14.5 milyon ay pangunahing pinondohan ng Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond ng 2012 at ng Pondo para sa mga Parke sa Sentro ng LungsodDowntown Parks Fund.
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may alam at makilahok, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa eNews ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto sa pagpapabuting pangkapital, pakibisita ang seksiyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari rin ninyong tuklasin ang mga pagkakataong magboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan ang mga parke sa bawat sulok ng lungsod at mga pagkakataong magboluntaryo na kasing-iba-iba ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!
Mga Update sa Proyekto
Bukas Na ang Palaruan ng Willie “Woo Woo” Wong!
Masaya kaming nabuksan ang Palaruan ng Willie “Woo Woo” Wong noong Pebrero 12 . . .
Magbasa pa sa sfrecpark.orgHalos Tapos Na ang Willie “Woo Woo” Wong!
Malapit na naming matapos ang konstruksiyon at muling buksan ang parke!
Magbasa pa sa sfrecpark.orgPinakabagong Ulat sa Palaruan ng Willie “Woo Woo” Wong 9/18!
Malapit nang matapos ang proyektong Willie “Woo Woo” Wong! Narito ang ilang kamakailang larawan mula sa lugar.
Magbasa pa sa sfrecpark.orgMga Dokumento at Materyales
Mga Materyales ng Pulong ng Komunidad
- Paunawa ng Pulong para sa Numero ng Palihan 1 (PDF)
- Paunawa ng Pulong para sa Numero ng Palihan 2 (PDF)
- Mga Pisara ng Presentasyon para sa Numero ng Palihan 2 (PDF)
- Presentasyon para sa Numero ng Palihan 2 (PDF)
- Presentasyon para sa Numero ng Palihan 3 (PDF)
- Sarbey ng mga gumagamit ng parke, tagsibol 2015: Obserbasyonal na Talatanungan (PDF) o Mga Tanong sa Interseptong Sarbey (PDF) .
Karagdagang mga Dokumento ng Proyekto
- Palaruan ng Willie ‘Woo Woo’ Wong, Presentasyon ng Dokumento sa Konstruksiyon ng SFAC, Disyembre 11, 2017 (PDF)
- Palaruan ng Willie ‘Woo Woo’ Wong, Presentasyon ng Pagbuo ng Disenyo ng SFAC, Hulyo 17, 2017 (PDF)
- Palaruan ng Willie ‘Woo Woo’ Wong, Presentasyon ng Eskematikong Disenyo ng SFAC, Oktubre 17, 2016 (PDF)
- Palaruan ng Willie ‘Woo Woo’ Wong, Pagsusuri sa Konseptuwal na Disenyo, Hulyo 18, 2016 (PDF)