Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
  1. Mga Pagpapabuti sa Parke/
  2. Mga Natapos na Proyekto sa Parke/

Renobasyon ng Palikuran sa Liwasan ng Washington

Natapos at binuksan sa publiko noong Marso 2015!

Mga Tao sa Palikuran sa Liwasan ng Washington

Kaligiran

Ipinasa ng 71% ng mga botante ang Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond ng 2008. Naging posible ang pagpapalit ng pasilidad ng palikuran sa Parke ng Liwasang WashingtonWashington Square Park dahil sa Programa sa Pagkukumpuni at Pagpapalit ng PalikuranRestroom Repair and Replacement Program ng Bono para sa Malinis at Ligtas na Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Park Bond's ng 2008, na nagpopondo sa pagtatayo, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng palikuran sa buong sistema ng mga parke ng Lungsod.

Saklaw ng Trabaho

Ang bagong pasilidad, na idinisenyo ng lokal na arkitektong si Paulett Taggart, ay may malinis at modernong disenyo na bumabagay sa makasaysayang katangian ng Parke ng Liwasang WashingtonWashington Square Park.

Upang mas mapaglingkuran ang mga bisita ng parke, mas marami ang mga kagamitan sa mga bagong palikuran para sa mga lalaki at babae kaysa sa dating istruktura. Bukod dito, mayroon na ngayong maliit na lugar ng trabaho at silid-imbakan ang gusali upang suportahan ang mga nakatalagang kawani sa paghahalaman ng parke.

Lumabas at Maglaro!

Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng mga parke ninyo sa San Francisco! Upang manatiling may alam at nakikilahok, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa e-Balita ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga balita tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto sa pagpapabuting pangkapital, pakibisita ang seksyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Balita sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.

Maaari din ninyong tuklasin ang mga pagkakataong magboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan ang mga parke sa bawat sulok ng lungsod at may mga pagkakataong magboluntaryo na kasing-iba-iba ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!

Mga Dokumento at Materyales

  1. Konseptuwal na Disenyo (PDF)

  2. Mapa ng ParkePark Map (PDF)

Pulong sa Pagpaplano ng Komunidad Bilang 1: Mayo 17, 2012

  1. Anunsiyo (PDF)

  2. Presentasyon (PDF)

Pulong sa Pagpaplano ng Komunidad Bilang 2: Hunyo 28, 2012

  1. Anunsiyo (PDF)

  2. Presentasyon (PDF)