- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
- Mga Larangan ng Tsalet sa Dalampasigan/
Mga Larangan ng Tsalet sa Dalampasigan
Bukas sa publiko noong Disyembre 22, 2015!

Panimula
Para sa isang bahagi ng parke na malawakang ginagamit ng mga bata, kulang ang Mga Larangan ng Putbol ng Tsalet sa DalampasiganBeach Chalet Soccer Fields sa mga pangunahing pasilidad na angkop para sa kabataan at pamilya at nangangailangan ito ng pagkukumpuni at pagsasaayos. Itinayo mahigit 75 taon na ang nakalilipas, ang Mga Larangan ng Putbol ng Tsalet sa DalampasiganBeach Chalet Soccer Fields ay huling isinaayos noong 1998. Ang mga larangan ay hindi ligtas at nasa mahinang kalagayan dahil sa mabigat na paggamit, saganang mga butas ng gopher at pana-panahong basang kalagayan.
Sa pagsasaayos ng Mga Larangan ng Putbol ng Tsalet sa DalampasiganBeach Chalet Soccer Fields gamit ang sintetikong damuhan at mga ilaw, magtatatlong ulit ang dami ng oras na maaaring paglaruan sa mga larangang ito mula 4,738 oras kada taon tungo sa 14,320 oras kada taon - iyon ay 9,582 oras ng karagdagang oras ng paglalaro taun-taon.
Saklaw ng Trabaho
Ang sakop ng pagsasaayos ay humigit-kumulang 482,700 talampakang parisukat at magaganap sa loob ng humigit-kumulang na bakas ng kasalukuyang mga larangan ng putbol. Pinalitan ng proyekto ang sintetikong damuhan; naglagay ng mga ilaw sa larangan; naglagay ng daanan papunta, pabalik at paikot sa mga larangan; pinabuti ang kaligtasan at sirkulasyon sa paradahan; inayos ang palikuran; at nagdagdag ng plasa para sa mga manonood upang magbigay ng mas mahusay na upuan para sa mga manonood at manlalaro. Kasama rin sa proyekto ang pagdaragdag ng kamalig para sa pagpapanatili bilang kapalit ng lalagyang kargamento, isang maliit na estruktura para sa paglalaro, espasyo para sa piknik na may ihawan, at mga bagong tanim na halamanan at puno.
Pagpopondo
Tumanggap ang Kagawaran ng Libangan at mga Parke ng isang bukas-palad na donasyong in-kind mula sa City Fields Foundation na nagkakahalaga ng $6 milyong dolyar. Nag-aambag din ang Lungsod ng humigit-kumulang $6.2 milyong dolyar para sa proyektong ito mula sa mga pondo ng 2008 Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond.
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng parke sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may kaalaman at kasangkot, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa eNews ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga bagong ulat tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto ng pagpapabuti ng kapital, mangyaring bisitahin ang seksiyong Agarang Balita ng aming pahina sa web at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Bagong Ulat sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari rin ninyong tuklasin ang mga oportunidad sa pagboboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan kami sa parke sa bawat sulok ng lungsod at mga oportunidad sa pagboboluntaryo na kasinlawak ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!