- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
- Mga Pagpapabuti sa Patubig ng Parke ng Alta Plaza/
Mga Pagpapabuti sa Patubig ng Parke ng Alta Plaza
Binuksan sa publiko noong Setyembre 23, 2018!

Paglalarawan
Tinukoy ng Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng San FranciscoSan Francisco Public Utilities Commission (PUC) ang Parke ng Alta PlazaAlta Plaza Park bilang isa sa may pinakamalaking pagkawala ng tubig, dahil sa lumang sistema nito ng patubig. Kamakailan (noong 2013) ay natapos ng Parke ang pagpapalit ng patubig sa timugang kalahati ng Parke. Bago natapos ang proyekto noong 2013, walang malaking pagsasaayos na naisagawa sa Parke mula nang itatag ito. Naapektuhan ng proyektong ito ang hilagang kalahati ng parke, gaya ng ipinapakita ng lugar na nakabalangkas sa pula sa larawan sa itaas.
Saklaw ng Proyekto
Kasama sa proyektong ito ang pagpapalit ng sistema ng patubig sa Hilagang kalahati ng Parke. Kasama rin dito ang pagtatanim ng mga uring matibay sa tagtuyot at angkop sa klima ng lugar.
Pagpopondo
Ang proyektong ito ay pinondohan ng 2012 Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond at nilaanan ng $583,407 at tumanggap din ng Gawad ng PUC para sa Pagtitipid ng Tubig, na nagkakahalaga ng $583,407. Kasama ang Mga Kaibigan ng Plasa AltaFriends of Alta Plaza, nakipagtulungan kami sa tanggapan ni Superbisor Farrell upang makakuha ng pondo para sa karagdagang pagkukumpuni sa drenahe, na umabot sa $1.1 milyon. Tumanggap din ang Kapital ng $350k na alokasyon mula sa Pangkalahatang PondoGeneral Fund.
Ang paggawad ng kontrata sa konstruksiyon para sa proyektong ito ay inaprubahan ng Komisyon ng Libangan at mga ParkeRecreation and Parks Commission noong Setyembre 6, 2017 (PDF). Ang paggawad ng kontratang ito sa konstruksiyon ay nakakuha at sumusunod sa lahat ng pag-apruba ng regulasyon ng lungsod, estado, at pederal, kabilang ang alinmang tiyak sa mga pinagkukunan ng pondo ng proyektong ito.
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng parke sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may kaalaman at kasangkot, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa eNews ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga bagong ulat tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto ng pagpapabuti ng kapital, mangyaring bisitahin ang seksiyong Agarang Balita ng aming pahina sa web at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Bagong Ulat sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari rin ninyong tuklasin ang mga oportunidad sa pagboboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan kami sa parke sa bawat sulok ng lungsod at mga oportunidad sa pagboboluntaryo na kasinlawak ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!
Mga Dokumento at Materyales
Pulong ng Komunidad Bilang 1: Pebrero 4, 2014
Paglilibot na Lakad Pebrero 20, 2014
Katitikan ng Paglilibot na Lakad (PDF)