Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
  1. Mga Pagpapabuti sa Parke/
  2. Mga Aktibong Proyekto sa Parke/
  3. Liwasang McLaren/

Liwasang McLaren - Palaruang Louis Sutter ADA

Proyekto ng Mga Pagpapabuting ADA sa Louis Sutter - daanan malapit sa lawa bago ang konstruksiyon

Saklaw ng Trabaho

Makatutulong ang proyektong ito upang matiyak na aksesible ang parke sa mga taong may kapansanan at sumusunod ito sa pederal na Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan (ADA). Gagawin ito sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na mga daanang papasok, pag-upgrade ng mga landas, pagtatama ng mga dalisdis, at paglalaan ng malinaw na mga daanan mula sa bagong aksesibleng paradahan patungo sa mga atraksiyon ng parke. Makikinabang ang lahat ng gumagamit ng parke sa mga pagpapabuting ito dahil magbibigay ang mga ito ng higit na ginhawa, aksesibilidad, at pakiramdam ng kaligtasan.

Alinsunod sa isang Gawad para sa Berdeng ImprastrakturaGreen Infrastructure Grant na ibinigay ng Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng San Francisco (SFPUC), maglalagay din ang proyekto ng mga bioswale at mga basin ng pagsipsip katabi ng mga bagong pagpapabuti sa landas upang saluhin at bawasan ang tubig-baha bago ito umabot sa pinagsamang sistema ng imburnal.

Ang mga layunin ng proyekto ay ang mga sumusunod:

  • Maglaan ng aksesibleng paradahan sa Timog na Paradahan.
  • Maglaan ng aksesibleng landas mula sa timog na paradahan patungo sa klubhaus, sa itaas na palaruan, at sa iba pang bahagi ng parke.
  • Bagong berdeng imprastraktura upang saluhin ang tubig-baha sa lugar ng proyekto.
  • Maliliit na pagpapabuti sa mga kasalukuyang taniman.

Pondo

Nagmumula ang pondo para sa proyektong ito sa Pangkalahatang PondoGeneral Fund mula sa isang programang nakalaan sa pagpapabuti ng pagsunod sa ADA, sa Bono para sa Kalusugan at Pagbangon ng 2020, at sa isang gawad para sa berdeng imprastraktura (GIG) na ibinigay ng SFPUC.

Tinatayang Iskedyul ng Proyekto

Pagpaplano , 2021

Disenyo , 2023

Pagsisimula ng konstruksiyon , Unang bahagi hanggang kalagitnaan ng 2027

Bukas sa Publiko , Huling bahagi ng 2028

Mga Update sa Proyekto Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa Liwasang McLarenMcLaren Park - Mga Pagpapabuti sa ADA ng Palaruang Louis SutterLouis Sutter Playground ADA Improvements, pakibisita ang seksiyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa " Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements: Liwasang McLarenMcLaren Park - Mga Pagpapabuti sa ADA ng Palaruang Louis SutterLouis Sutter Playground ADA Improvements ." Upang makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto, mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto.”

Makipag-ugnayan sa Amin

Alex Schuknecht

Tagapamahala ng Proyekto E-mail Telepono: 628-652-6631