- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Aktibong Proyekto sa Parke/
- Mga Pagpapabuti sa Parke ng Harding para sa ADA/
Mga Pagpapabuti sa Parke ng Harding para sa ADA
Natapos at Binuksan sa publiko noong Disyembre 2024!
Saklaw ng Trabaho

Isa itong proyekto sa pag-aalis ng mga hadlang ayon sa Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan (ADA). Ipatutupad nito ang mga hakbang na pagwawasto na tinukoy bilang bahagi ng isang kasunduan sa pag-aayos. Isinasagawa ito bilang bahagi ng Programa sa Pagpapabuting Pangkapital ng ADAADA Capital Improvement Program ng Libangan at ParkeRec and Park, sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng Alkalde para sa Kapansanan (MOD).
Kasama sa saklaw ng proyekto ang pagpapasunod sa mga kasalukuyang paradahan; paglikha ng mga bagong tawiran, mga rampa sa gilid ng bangketa, at sona ng pagsasakay at pagbababa; paggawa ng bagong pinahabang madaling-maakses na daanan sa kabila ng paradahan; at muling pagsesemento ng mga kasalukuyang kongkretong daanan.
Para sa impormasyon tungkol sa larangan ng golf, kabilang ang mga singil at pag-book ng oras ng paglalaro, pakibisita ang: Larangan ng Golf sa Parke ng TPC HardingTPC Harding Park Golf Course .
Pondo
Ang pondo para sa proyektong ito ay nagmumula sa Pangkalahatang Pondo ng ADAADA General Fund ng Libangan at ParkeRec and Park at sa mga obligasyon sa utang ng munisipyo.
Iskedyul ng Proyekto
Pagpaplano , 2023
Disenyo , 2023
Pagsisimula ng konstruksyon , Kalagitnaan ng 2024
Bukas sa Publiko , Disyembre 2024
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng mga parke ninyo sa San Francisco! Upang manatiling may alam at nakikilahok, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa e-Balita ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga balita tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto sa pagpapabuting pangkapital, pakibisita ang seksyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Balita sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari din ninyong tuklasin ang mga pagkakataong magboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan ang mga parke sa bawat sulok ng lungsod at may mga pagkakataong magboluntaryo na kasing-iba-iba ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!
Mga Balita sa Proyekto
Mga Pagpapabuti sa Parke ng Harding para sa ADA | Balita sa proyekto, Disyembre 2024
Nasa huling yugto na ang mga pagpapabuting nakatuon sa ADA sa Parke ng Harding at Bahay-KlubHarding Park and Clubhouse. Naglagay kami ng bagong tawiran ng mga naglalakad na nag-uugnay sa bahay-klub at sa lugar ng pagsasanay sa pagpalo, at pinabuti namin ang mga puwesto ng paradahang madaling-maakses ayon sa ADA, at ang panlabas na patyo…
Magbasa pa sa sfrecpark.orgMga Pagpapabuti sa Parke ng Harding para sa ADA | Balita sa proyekto, Nobyembre 2024
Halos tapos na ang mga Pagpapabuti para sa ADA sa Bahay-Klub ng Parke ng HardingHarding Park Clubhouse at sa paradahan. Tinatapos ng kontratista ang ilang natitirang gawain, gaya ng pagreretoke ng pintura at pagkakabit nang mahigpit ng mga pampigil ng gulong sa mga puwesto ng paradahan. Gagawin din namin…
Magbasa pa sa sfrecpark.orgMga Pagpapabuti sa Parke ng Harding para sa ADA | Balita sa proyekto, Oktubre 2024
Halos kumpleto na ngayon ang mga Pagpapabuti para sa ADA sa bahay-klub ng Parke ng HardingHarding Park at sa paradahan! Tapos na ang lahat ng gawain sa paradahan at muling bubuksan sa publiko ang panlabas na patyo bago matapos ang Oktubre. Ikinagagalak naming iulat na ginagamit na ng mga tao…
Magbasa pa sa sfrecpark.org