Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
  1. Mga Pagpapabuti sa Parke/
  2. Mga Aktibong Proyekto sa Parke/

Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco

Saklaw ng Trabaho

Guhit-Disenyo ng Plasa ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco

Magtatayo ang proyektong ito ng kongkretong plataporma at barandilya sa Parke ng LincolnLincoln Park upang paglagyan ng mga likhang-sining sa hinaharap, gaya ng mga plake na nagbibigay-impormasyon at isang estatwang gumugunita sa Malaking Taggutom sa Irlanda (1845-1852). Ang iminumungkahing plataporma ay matatagpuan sa kahabaan ng El Camino Del Mar sa isang interseksiyon ng landas sa pagitan ng Daan ng Lehiyon ng Karangalan at Ika-32 Abenida na may napakagandang tanawin ng Tulay ng Golden Gate.

Itinuturing ang proyektong ito na Yugto 1 ng Proyekto ng Paggunita. Sa susunod na panahon, makikipag-ugnayan ang Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco sa Komisyon sa Sining ng San FranciscoSan Francisco Arts Commission upang kumuha ng isang alagad ng sining na magdidisenyo at gagawa ng likhang-sining sa Plasa ng PaggunitaMemorial Plaza.

Kaligiran

Noong 2019, nagpatibay ng isang resolusyon ang Lupon ng mga Superbisor ng San FranciscoSan Francisco Board of Supervisors bilang suporta sa isang permanenteng Monumento sa Malaking Taggutom sa San Francisco. Iniharap ang resolusyon ng Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco, isang organisasyong hindi pangkalakal na binuo upang gunitain ang mga biktima at ang mga nakaligtas sa “Malaking Gutom” (An Gorta Mor) na naganap sa Irlanda mula 1845-1852.

Noong Panahon ng Malaking Taggutom, mahigit isang milyong Irlandes ang namatay at milyon-milyon pa ang nangibang-bayan. Pag-uugnayin ng monumentong ito ang komunidad na Irlandes-Amerikano ng San Francisco at California sa kanilang pinagmulan bilang mga imigrante at kikilalanin ang mga ambag ng pinakaunang mga imigrante noong panahon ng Taggutom sa Estados Unidos, California, at San Francisco. Magsisilbi rin itong pasasalamat sa Estado ng California at sa Lungsod at Kondado ng San Francisco para sa pagtanggap at mga pagkakataong ibinigay sa mga Irlandes pagdating nila.

Pondo

Ang pondo para sa proyektong ito ay nagmumula sa isang iminumungkahing gawad mula sa Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $500,000, sa anyo ng salapi at mga gawad na hindi salapi para sa mga bayarin sa disenyo, konstruksiyon, at pamamahala ng proyekto.

Mga Katuwang

  • Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco
  • Estudyo Banaa

Tinatayang Iskedyul ng Proyekto

Pagpaplano , 2024

Disenyo , Itatakda pa

Nagsisimula ang konstruksiyon , Itatakda pa

Bukas sa Publiko , Itatakda pa

Mga Update sa Proyekto Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco, pakibisita ang seksiyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa " Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements: Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco ." Upang makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto, mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto.”

Mga update sa proyekto

Mga Dokumento at Materyales