- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Tuklasin/
- Mga Kawili-wiling Lugar/
- Tore ng Coit/
Tore ng Coit
Address
1 Telegraph Hill Boulevard San Francisco, CA 94133
Araw-araw, 10 n.u. - 6 n.h. (Abril - Oktubre); Araw-araw, 10 n.u. - 5 n.h., (Nobyembre - Marso) Sarado tuwing pista opisyal: Araw ng Pasasalamat, Araw ng Pasko, Bagong Taon


Mga Dokumento |
|---|
Ang Tore ng Coit, isang payat na puting haliging kongkreto na tumataas mula sa tuktok ng Burol ng TelegrapoTelegraph Hill, ay naging sagisag ng abot-tanaw ng San Francisco mula nang matapos ito noong 1933, isang malugod na parola para sa mga bisita at residente. Ang tanawan nito, na naaabot sa pamamagitan ng elevator (mabibili ang mga tiket sa tindahan ng regalo), ay nag-aalok ng 360-digring tanawin ng lungsod at look, kabilang ang mga tulay ng Golden Gate at Bay.
Ang simpleng may-ukit na tore ay ipinangalan kay Lillie Hitchcock Coit, isang mayamang kakaibang babae at tagatangkilik ng mga bumbero ng lungsod. Namatay si Coit noong 1929, na nag-iwan ng malaking pamana “para sa layuning madagdagan ang kagandahan ng lungsod na palagi kong minahal.” Ginamit ang mga pondo upang itayo kapwa ang tore at isang bantayog para sa minamahal na mga boluntaryong bumbero ni Coit, sa kalapit na Liwasang WashingtonWashington Square. Ang tore ay idinisenyo ng kompanya ni Arthur Brown, Jr., ang arkitekto ng Bulwagang Panlungsod ng San Francisco. Salungat sa paniniwala ng marami, hindi idinisenyo ang Tore ng Coit upang maging kahawig ng dulo ng hose ng bumbero.
Ang mga mural sa loob ng pundasyon ng tore ay ipininta noong 1934 ng isang grupo ng mga artistang tinanggap ng Proyekto ng mga Pampublikong Likhang-SiningPublic Works of Art Project, isang hinalinhan ng Administrasyon ng Pagsulong ng mga GawainWorks Progress Administration (WPA), at naglalarawan ng buhay sa California noong panahon ng Depresyon. Nang sumiklab ang karahasan sa panahon ng welga ng mga manggagawa sa daungan noong 1934, tumindi ang kontrobersiya tungkol sa radikal na nilalaman ng ilang panel. Pinintahan ang ilan sa pinakakontrobersiyal na elemento, at kinandaduhan ang tore nang ilang buwan bago sa wakas ibinukas sa publiko ang mga fresco noong taglagas ng 1934.
Ang Burol ng TelegrapoTelegraph Hill ay nagmula ang pangalan sa isang semaporong telegrapo na itinayo sa tuktok nito noong 1850 upang ipaalam sa mga residente ang pagdating ng mga barko. Ang Parke ng mga TagapangunaPioneer Park, na pumapalibot sa Tore ng Coit, ay itinatag noong 1876 sa dating kinatatayuan ng istasyon ng telegrapo. Habang naglalakad ka sa mga landas na paikot sa tore at pababa ng burol, maaari mong marinig ang maingay na tsismisan ng pinakatanyag (at pinakamaingay) na mga residente ng kapitbahayan, ang kawan ng mga loro na itinampok sa pelikulang 2005 na “The Wild Parrots of Telegraph Hill.”
PAGBISITA SA TORE NG COIT
Mga Ginagabayang Paglilibot ng GrupoGuided Group Tours
May mga paglilibot na pinangungunahan ng docent para sa mga bisita, kasama ang buong paglilibot sa Tore pati na ang mga mural. Ang mga paglilibot ay para sa mga grupong may hindi bababa sa 4 na tao ngunit hindi hihigit sa 6 na tao. Ang haba ng paglilibot ay mga 30 – 40 minuto. Malalaman ng mga bisita ang tungkol sa pagsisimula ng Tore, ang impluwensiya ng Mga Proyektong Pampublikong Likhang-SiningPublic Work of Art Projects, at ang kasaysayan ng 26 na artista. May bayad na $10 kada tao para sa buong paglilibot sa mga mural. May bayad na $5 kada tao para sa paglilibot sa ikalawang palapag lamang. Mabibili ang mga tiket para sa mural sa Tore ng Coit.
Mga Bayarin sa Pagpasok sa Elevator KATEGORYA NG EDAD MGA RESIDENTE NG SF MGA HINDI RESIDENTE
Nasa hustong gulang | $8 | $11 |
|---|---|---|
Nakatatanda (62+) | $5 | $8 |
Kabataan (12-17) | $5 | $8 |
Bata (5-11) | $2 | $3 |
Bata (4 pababa) | Libre | Libre |
Pakitandaan: Ang halos 90-taóng-gulang na elevator sa Tore ng Coit ay maaaring hindi magamit sa oras ng inyong pagbisita dahil sa paminsan-minsang problemang mekanikal. Upang makarating sa antas na tanawan, maaaring kailanganin ninyong umakyat ng 13 palapag na hagdan. Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa abala at umaasa kaming darating pa rin ang mga bisita sa Tore ng Coit upang tamasahin ang makasaysayang mga mural at ang tanawin ng lungsod mula sa Parke ng mga TagapangunaPioneer Park.
Mabibili ang mga tiket sa Tore ng Coit hanggang isang oras bago ang oras ng pagsasara.
Kapihan sa Tore ng Coit, Bukas Araw-araw (9:30 n.u. hanggang 6 n.h.)
Ilang hakbang lamang mula sa Tore ng Coit ang Kapihan sa Tore ng Coit, na nag-aalok ng mainit at malamig na inumin, mga pastry, panini, pizza kada hiwa at frozen yogurt. Pakitandaan na hindi pinapayagan ang pagkain at inumin sa loob ng Tore ng Coit.
Paano Makarating
Pakitandaan na napakalimitado ng paradahan sa tore, at sa mga oras ng dagsaan ay maaaring napakahaba ng pila ng mga sasakyang naghihintay na makarating sa paradahan. Ang bus na #39 Coit ng Muni ay bumibiyahe sa pagitan ng Tore ng Coit at Fisherman’s Wharf. Para sa isang magandang tanawing paglalakad papunta sa tore, akyatin ang silangang dalisdis ng Burol ng TelegrapoTelegraph Hill sa pamamagitan ng hagdan ng Filbert Street, na dumaraan sa Hardin ni Grace MarchantGrace Marchant Garden, o ang hagdan ng Greenwich Street.
Mag-ulat ng Isyu sa Pagpapanatili
Mag-ulat ng isyu sa pagpapanatili o bandalismo sa lugar na ito